Sunday, November 25, 2018

Sintahang Romeo at Juliet

Sintahang Romeo at Juliet
Isinulat ni William Shakespeare

PAGKILALA SA MAY AKDA

  •  Kilalang kilala si William Shakespeare sa kanyang mga obra, isang ingles na makata, manunulat, at dramatista. Siya ay itinuturing na isa sa pinakamahusay sa mga manunulat sa wikang Ingles at tanyag sa daigdig ng literatura. 
  •  Sa dulang Romeo and Juliet, nilikha ni Shakespeare ang isang daigdig ng karahasan at paulit ulit na tunggalian ng dalawang maharlikang angkan, ang mga Montague at mga Capulet.


URI NG PANITIKAN


  • Ang dula ay pumapaksa isang matinding pag iibigan nina Romeo na isang Montague at Julieta na isang Capulet. Nakadama sila ng matindi at walang kapantay na pag ibig sa isa't isa sa kabila ng katotohanang ang mga pamilyang kanilang kinabibilangan ay may malalim na hidwaan o alitan.
LAYUNIN NG MAY AKDA

  • Isang layunin ng may akda na ipakita ang kadalisayan ng tunay at wagas na pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. Ipinakita din ng may akda ang magiging bunga na maaring mangyari kung ang isang tao o mga tao ay walang ganap na pag-intindi sa mga bagay-bagay. Katulad na lang ng nangyari kina Romeo at Juliet dahil sa pag-ayaw o pagtutol ng kanilang mga pamilya sa kanilang pag-iibigan. Ang kamatayan nila ang naging bunga ng hidwaang walang tigil sa pagitan ng dalawang pamilya.
Teoryang pampanitikan
  • Klasismo - Teoryang Klasismo/Klasisismov Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak,ukol sa pagkakaibang estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ngmga pangyayari,matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtataposnang may kaayusan.
  • Romantisismo - Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ngtao o sumasagisag satao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundongkinalakhan.Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang anglahat upangmaipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayangnapupusuan.
Tema o paksa
  • Ang tema ng "Sintahang Romeo at Juliet" ay ang pagkakaroon ng wagas na pag-ibig hanggang kamatayan
  • Sa kuwentong ito, maraming mga balakid sa pagmamahalan ng dalawa. Sinubukan nilang lumaban subalit sunud-sunod ang mga pagsubok na humamon sa katatagan ng kanilang pag-ibig sa isa't-isa.
  • Ipinapakita ng kuwentong ito na kapag umibig ang isang tao, dapat ay handa rin siyang masaktan,magsakripisyo o mamatay kung kinakailangan. Dahil oo nga at masarap umibig, dapat ding tanggapin na ito rin ay isang bagay na dapat inaalagaan upang hindi mawala o maglaho

Mga tauhan sa kwento
  • Romeo- ang kasintahan ni Juliet. Isang mapagmahal na binata, ang anak ng Pamilyang Montague.
  • Juliet- ang kasintahan ni Romeo. Isang mapagmahal na dalaga, ang anak ng Pamilyang Capulet.
  • Paris- ang karibal ni Romeo sa pag-ibig ni Juliet. Masugid na manliligaw ni Juliet.
  • Padre Lawrence- ang pari na nagkasal sa dalawang nagmamahalan na si Romeo at Juliet. Ang paring handang tumulong sa dalawang nagmamahalan.
  • Pamilyan Montague at Pamilya Capulet-ang dalawang pamilyang may alitan.
Tagpuan
  • Ang pangunahing Tagpuan sa Romeo at Juliet ay sa Verona, Italy.
  • Ngunit, sa kabuuan ng storya, tatlong tagpuan ang namamayagpag.
  • Una, sa mga eksena ni Romeo, ang pangunahing tagpuan ay sa labas o sa kalsada kasama ang kaniyang mga kaibigan.
  • Pangalawa, sa mga eksena ni Juliet kung saan nakakasama niya si Romeo ay sa balkonahe ng kaniyang bahay.
  • Pangatlo, sa mga eksena ni Juliet at Romeo na sila ay malayang nakakapagpahayag ng kanilang damdamin sa isa't isa, ay sa simbahan.

NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Sa ganitong paraan nagsimula ang kwento, si Romeo, na anak nina Senyor Montesco at SenyoraMontesco, ay naaantig sa angking kagandahan ni Rosalina, isang dalaga na may panantang magingdalaga habang siya ay nabubuhay pa na kaya’t hindi nito.
Sa pagnanais ng kanyang pinsang si Benvolio atkaibigang si Mercutio na maaliw ito, inaya nila ito sa isang sayawan sa bahay ng mga Capulleto. Pumayagnaman si Romeo nang mapag-alaman nitong ddalo rin si Rosalina. Sa naganap na sayawan sa bahay ngmga Capuletto, nakita ni Romeo si Julieta na anak ng kaaway ng kanilang angkan, na sila Senyor atSenyora Capuletto. Sa unang araw ng kanilang pagkikita ay nahulog na sila sa isa’t isa. Kapwa nila batidna sila ay mga anak ng magkaaway na pamilya, ngunit nagkaunawaan pa rin sila. At dahil ditonagkasundo silang magpakasal kinabukasan, sa tulong ni Fray Lozenzo, ang padre kumpesor ni Romeo. Pagkatapos ng kanilang pag-iisang dibdib, sina Tybalt at Mercutio ay naglaban at dahil dito ay nasawi siMercutio. Nalaman ni Romeo ang pagkamatay ni Mercutio at naging dahilan ng kanyang paghihiganti,dahil sa kanyang paghihiganti. Napatay ni Romeo si Tybalt, nagmamakaawa ang mga magulang Romeongunit ang naging hatol ni Prinsipe Escalo sa kanya ay ipatapon sa labas ng Verona. Sa pamamagitan ngkasa-kasama ni Julieta ay muli silang nagkita at nangyari ang unang gabi nila bilang mag-asawa. Ngunitsa gabi ring iyon ay ipinagkasundo nina Senyor at Senyora Capuletto si Julieta kay Konde Paris upang silaay mapag-isang dibdib. Tutolsi Julieta dito kung kaya’t humingi siya ng tulong kay Fray Lozenzo upanghindi matuloy ang nasabing kasalan. Binigyan ni Fray Lorenzo si Julieta ng likidong pampatulog upangang naghihinagpis na binibi ay magmimistulang bangkay sa loob ng apatnapung oras. Naipabalita kayRomeo na si Julieta ay isa nang bangkay, sa tulong ni Baltazar. Dahil dito bumili si Romeo sa isangmatandang albularyo ng mabagsik na lason na siyang kikitil sa kanyang buhay at bumalik sa Verona.Ngunit sa kasamaang-palad, hindi naihatid ni Fray Juan ang liham ni Fray Lorenzo na nagsasabing hindipatay si Julieta. Nang mabili ni Romeo ang lason, agad siyang nagtungo sa puntod ni Julieta at nangmakita ni Romeo ang inaakalang bangkay ni Julieta ay ininom niya agad ang lason. At bago nangyari angpagpanaw ni Romeo ay nagising si Julieta at natunghayan niya ang pagpanaw ni Romeo. Sapaghihinagpis ni Julieta ay dumating si Fray Lorenzo, ngunit hindi na niya naabutang buhay si Romeoupang sabihin ang katotohanan. Pilit na isinasama ni Fray Lorenzo si Julieta dahil may mga tanod napaparating, ngunit hindi niya magawang iwan si Romeo. Bago pa man dumating ang mga tanod aynakakita si Julieta ng isang balaraw at siya ay nagpakamatay.

Mga aral
  • Para sa akin, ito ay ang ipaglaban kung ano ang gusto ng puso mo. Ngunit gawin ito na may respeto pa rin sa sarili mo.
  • Huwag maniwala sa mga sabi-sabi hangga't walang patunay at hindi lahat ay dapat na umabot sa kamatayan
ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
  • Ang estilo ng pagsulat ni Shakespeare sa Romeo at Juliet ay madamdamin, mala-tula at mahabang tula. Maaari naming makita ito mula sa simula ng kwento - ang Prologue. Ang Prologue ay nagsisilbing isang antitesis sa pamamagitan ng paghula at pagsasabi sa madla kung ano ang mangyayari sa kwento, pagsunod sa istraktura ng isang tipikal na trahedya sa Gresya.Bukod pa rito, ang kanyang wika, mula sa simula, ay tila matunog. Pansinin ang paggamit niya ng mga parirala tulad ng "sinaunang pagkagalit," "sibil na dugo," at "mga mahilig sa bituin," na patuloy sa buong kwento, at katulad din sa "mahabang tula" na katangian ng isang lagay ng balangkas.
BUOD
Ang kuwento ay umiikot sa pag-iibigan nina Romeo at Julieta. Nang ang dalawa ay nagkita sa isang handaan, sila ay agad na nagkagustuhan at hindi naglaon ay lihim na nagpakasal. Nang si Romeo ay pinaalis dahil sa pagpatay sa isang Capuleto, si Julieta ay nakatakda nang ipakasal kay Conde de Paris. Naiwasan ito ni Julieta sa pamamagitan ng pag-inom ng pampatulog na gamot na ibinigay ni Padre Lorenzo, ang kaibigan at nagkasal sa dalawa. Dahil sa gamot na ito, magmumukha siyang patay hanggang sa oras na magigising siya. Nakataon na ang sulat na magsasabi ng kunwa-kunwariang pagpapakamatay ni Julieta ay hindi nakarating kay Romeo; sa halip, natanggap ang balita ng kanyang pagkamatay. Sa pighati, pumunta si Romeo sa puntod ni Julieta at saka unimon ng lason. Nagising naman si Julieta ilang sandali bago namatay si Romeo kaya ang magkasintahan ay masuyong nakapagpaalam sa isa’t isa. Pagkatapos, sinaksak ni Julieta ang sarili ng punyal. Matapos ang ilang sandali, ang pari, ang prinsipe, ang magulang ng magkasintahan, at ang buong bayan ay dumating sa eksena. Ipinaliwanag ng pari ang lahat. Ang mga magulang ay nagsisi at nagkabati, at ang magkasintahan ay inilibing sa iisang puntod.





   

  

6 comments: